On this page
Protektahan ang iyong sarili at ang ibang tao laban sa COVID-19
May COVID-19 pa rin sa komunidad. Maaari pa ring magkasakit nang malubha ang mga tao dahil dito. Ang pagprotekta sa iyong sarili ang pinakamahusay na paraan upang protektahan ang ibang tao. Hindi ka makakapagkalat ng COVID kung hindi ka magkaka-COVID.
Magpasuri
Manatili sa bahay at gumawa ng rapid antigen test (RAT) kung ikaw ay:
- may mga sintomas gaya ng tumutulong sipon, masakit na lalamunan, ubo, lagnat, o pangingiki.
- nagkaroon ng kontak sa isang tao na may COVID-19.
Kung negatibo ang iyong pagsusuri, dapat kang patuloy na gumawa ng mga rapid antigen test sa susunod na ilang araw at manatili sa bahay hanggang sa mawala na ang iyong mga sintomas.
Humiling ng PCR test sa isang GP kung ikaw ay malubhang magkasakit ng COVID-19. Hindi mo kailangang iulat ang iyong resulta kung nagpositibo ang iyong PCR test.
Alamin ang higit pang impormasyon sa Get a COVID-19 Test (Magpasuri para sa COVID-19).
Pangalagaan ang iyong kalusugan
Kung ikaw ay nagpositibo sa COVID-19, dapat kang magpahinga at makipag-usap sa isang GP. Karamihan sa mga tao ay magkakaroon ng mga banayad na sintomas at maaaring magpagaling sa bahay. Ikaw ay dapat:
- Manatili sa bahay nang mga 5 araw. Huwag pumasok sa trabaho o paaralan. Huwag pumunta sa mga ospital, mga pasilidad ng pangangalaga ng mga matatanda, at mga serbisyong pangkapansanan.
- Magsuot ng mask kung kailangan mong lumabas ng bahay dahil sa isang emerhensya. Ang pinakamainam na mask ay ang surgical o N95.
- Sabihan mo ang mga tao na iyong nakita o ang mga lugar na napuntahan mo kamakailan na ikaw ay may COVID.
Kung lumala ang iyong mga sintomas, dapat kang makipag-usap sa isang GP.
Tawagan mo ang Victorian Virtual Emergency Department para sa apurahang pangangalaga kung hindi mo makausap ang isang GP.
Para sa mga emerhensya, tawagan ang Triple Zero (000).
Maaaring ikaw ay nakakahawa nang hanggang 10 araw. Dapat kang manatili sa bahay kung ikaw ay may tumutulong sipon, namamagang lalamunan, ubo, lagnat, pangingiki, pamamawis, o pangangapos ng hininga. Gumamit ng rapid antigen test o makipag-usap sa isang GP kung hindi ka sigurado.
Suporta
Para sa karagdagang impormasyon:
- Bisitahin ang Checklist for COVID-19 para sa gagawin kung nagpositibo ka sa COVID-19
- Bisitahin ang Managing COVID-19 para sa mga sintomas at pangangalaga ng iyong kalusugan sa bahay.
Upang makipag-usap sa isang tao:
- Tawagan ang Translating and Interpreting Service sa 131 450
Magtanong tungkol sa mga gamot laban sa COVID
Ang mga gamot laban sa COVID ay nagliligtas ng buhay ng mga tao at hinahadlangan ang malubhang pagkakasakit nila ng COVID-19. Hangga't maaari, dapat inumin nang maaga ang mga ito sa loob ng 5 araw ng pagkakasakit upang gumana nang husto.
Sagutin ang mga tanong na ito upang malaman kung ikaw ay marapat para sa mga gamot laban sa COVID. Makipag-usap sa isang GP kung sa palagay mo ay marapat ka. Maaaring makatulong ang GP upang matiyak na mabilis na makakakuha ng paggamot ang mga taong marapat
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Antivirals and other medicines (Mga panlaban sa virus at iba pang mga gamot).
Magsuot ng mask
Ang mga mask ay mapipigilan kang magka-COVID-19 at magkalat nito. Dapat ay may mabuting kalidad ang mga mask at lapat na lapat sa mukha. Ang N95 at P2 na mga mask (panghinga) ang nagbibigay ng pinakamainam na proteksyon.
Dapat kang magsuot ng mask:
- sa mga pampublikong sasakyan, sa loob ng pampublikong lugar, at kapag nasa labas sa mataong lugar.
- kung ikaw ay may COVID-19 at dapat kang lumabas ng bahay
- kung ikaw ay, o may kasama kang isang tao, na nasa mataas na panganib ng pagkakasakit nang malubha.
Ang mga batang 2 taong gulang o mas bata pa ay hindi dapat magsuot ng mask dahil sa panganib na masakal at hindi makahinga.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Face masks.
Magpabakuna ng iyong susunod na dosis
Ang pagbabakuna ang pinakamahusay na paraan upang protektahan ang iyong sarili at pamilya laban sa pagkakasakit nang malubha ng COVID-19. Dapat kang manatiling up to date sa mga inirekomendang pagbabakuna para sa iyo. Makipag-usap sa isang GP upang alamin kung ilang dosis ang inirerekomenda.
Dapat ka pa ring magpabakuna kung ikaw ay nagka-COVID-19 na. Gamitin ang vaccine clinic finder upang mag-iskedyul ng iyong susunod na dosis sa GP o lokal na botika.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang COVID-19 vaccine.
Papasukin ang sariwang hangin
Kumakalat sa hangin ang COVID-19. Ang pagkakaroon ng sariwang hangin sa loob ng isang lugar ay makababawas sa panganib ng pagkalat ng COVID-19. Hangga't maaari, buksan ang mga bintana o pintuan kapag nakikipagtipon sa iba sa loob ng isang lugar. Kung hindi mo magagawa ito, maaari kang gumamit ng portable na air cleaner (HEPA filter) na nagtatanggal ng mga patak-patak ng aerosol mula sa hangin.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Ventilation.
Paggaling mula sa COVID-19
Maraming mga tao ang magiging masama ang pakiramdam sanhi ng COVID-19 makaraang sila ay hindi na nakakahawa. Bigyan ng pangangalaga at panahon ang iyong katawan upang gumaling nang tama.
Dapat kang maghintay ng 6 buwan makaraang magka-impeksyon, bago ka magpabakuna ng iyong susunod na dosis. Titiyakin nito na makukuha mo ang pinakamahusay na proteksyon laban sa virus.
Maaari kang magka-COVID-19 ulit nang simbilis ng 4 na linggo makaraan ang iyong paggaling. Kung ikaw ay may mga sintomas 4 na linggo o higit pa makaraang magka-impeksyon, dapat kang magpasuri.
Ang Long COVID (Pangmatagalang COVID) ay kapag tumatagal nang mahigit pa sa 3 buwan ang mga sintomas ng COVID-19. Dapat kang magpatingin sa iyong GP na makakatulong sa pamamahala ng iyong mga sintomas o sa pagsangguni sa iyo sa espesyalista kung kinakailangan.
Alamin ang higit pang impormasyon tungkol sa Long COVID.
Kung ikaw ay isang contact
May panganib kang magkaroon ng COVID-19 kung nakikisalo ka sa bahay o nagkaroon ka ng malapitang contact sa isang tao na nagpositibo.
Dapat mong subaybayan ang mga sintomas at magpasuri nang madalas sa loob ng 7 araw makaraang magkaroon ka ng contact sa isang tao na nagpositibo. Sa panahong ito, inirerekomenda na ikaw ay:
- umiwas sa mga ospital, mga pasilidad ng pangangalaga sa mga matatanda, at mga serbisyong pangkapansanan
- magsuot ng mask kapag lumalabas ng bahay, kabilang ang mga pampublikong sasakyan at sa mga panloob na lugar tulad ng trabaho at paaralan
- papasukin ang sariwang hangin sa mga panloob na lugar sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana, hangga't maaari
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Checklist for contacts.
This page has been produced in consultation with and approved by: